Pagkakalooban ng pamahalaang lungsod ng Marikina ng libreng livelihood training ang mamamayan nito upang magkaroon ang mga ito ng pangkabuhayan tungo sa pagiging produktibo, sa ilalim ng TEKBOK Scholarship Program ng Manpower Development and Training Office (MDTO) ng Center for Excellence.

“Mahalaga ang dagdag na kasanayan ng isang indibidwal para sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pagtatrabaho, pagiging produktibo, at pagkakaroon ng pagkakakitaan upang tustusan ang pangangailangan ng pamilya,” pahayag ng MDTO.

Ipinabatid ng tanggapan na kabilang sa mga kursong iaalok ang auto mechanic; Autocad 1, 2, at 3; baking; computer system at repair servicing; cosmetology; dressmaking; refrigeration at air-conditioning; electrical installation and maintenance; industrial motor control; Electronics 1 at 2; food processing; international cuisine; at shielded metal arc welding.

Ang mga interesado ay dapat na magdala ng mga dokumentong gaya ng voter’s ID at barangay clearance, ayon sa MDTO.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

(Mac Cabreros)