KC Concepcion copy copy

AKTIBONG tumutulong sa mahihirap nating kababayan si KC Concepcion. Katunayan, dito sa amin sa Tondo ay isa sa main sponsors si KC ng Verlanie Foundation na ilang taon nang nagpapaaral ng mahihirap na bata mula elementarya hanggang kolehiyo. Bukod sa tution, libre pa lahat ng kagamitan kasama ang uniporme at allowance.

Isa ang pamangkin namin sa natulungan ng nasabing foundation. Bukod pa riyan, aktibo pa rin si KC bilang ambassadress ng UN World Food Program.

Gayunpaman, nabanggit ni KC sa interbyu sa kanya ni Boy Abunda na wala siyang anumang interes na pasukin ang pulitika.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Paliwanag ni KC, kung nakikita man siyang aktibong tumutulong sa mga kababayan natin, ang dahilan ay iyon ang hinihingi ng pagkakataon. Dahil dumarami ang mga taong nagugutom hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

“Takot ako sa politics. Hindi ko mundo ‘yun,” paliwanag pa ni KC.

Nagbebenta si KC ng mga personal niyang gamit online -- kagaya ng mga mamahalin niyang bags, sapatos, damit o gowns – na one hundred percent na napupunta sa nasabing organisasyon ang napagbebentahan.

Kaya ganoon na lang ang pagkadismaya ng mga kabarangay namin nang banggitin ni KC na wala siyang kabalak-balak na maging pulitiko. Para sa kanila kung papasukin ni KC ang pulitika ay walang dudang mananalo siya kahit na senador pa.

(Jimi Escala)