Angelica Panganiban
Angelica Panganiban

'HINDI totoong sina John Lloyd (Cruz) at Bea (Alonzo) na.” Ito ang naghuhumiyaw na sabi sa amin ng taong malapit sa dalawa.

May nagkumpirmang hiwalay na talaga sina Zanjoe Marudo at Bea at si Lloydie raw ang dahilan ng nasabing hiwalayan.

Umugong pa ang balitang ‘sina’ John Lloyd at Bea na raw talaga at tuluyan nang iniwan ng una si Angelica Panganiban.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

(Editor’s note: Mukhang bagong version naman ito kumpara sa nakuha kong information sa loyalistang fan ni Bea na nagsabing matagal nang hiwalay ang dalaga at si Zanjoe dahil sa third party sa part ng huli.)

Halos sabay na nag-deny sina Angelica at ang taong kausap namin na hindi totoong may relasyon sina John Lloyd at Bea.

Sabi ng taong malapit kina JLC at Bea, “Walang katotohanan ‘yan, magkaibigan ‘yung dalawa huwag nilang sirain. May girlfriend si John Lloyd, si Angelica at huwag gawan ng gulo.

“But it’s true, hiwalay na sina Bea at Zanjoe at kung kailan sila magsasalita, sila lang ang nakakaaalam and I’m sure, hindi naman nila ide-deny ‘yun.”

Bagamat may alam na kami sa kuwentong Bea at Zanjoe ay gusto pa rin naming marinig mismo na galing sa kanila ang kumpirmasyon.

At si Angelica nang tanungin ni Katotong Ogie Diaz kung hiwalay na sila ni John Lloyd, ang isinagot, “Kami pa rin”.

Bakit nga ba kasi pinipilit na may relasyon sina Lloydie at Bea, advance promo na ba ito para sa sequel ng A Second Chance? —Reggee Bonoan