Mga laro sa Miyerkules (San Juan Arena)

9 a.m. – NU vs FEU

11 a.m. – UPIS vs UST

1 p.m. – AdU vs UE

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

3 p.m. – Ateneo vs DLSZ

Umiskor si Justine Baltazar ng isang buzzer-beating tip-in upang isalba ang National University kontra Adamson University, 68-66, noong Sabado ng hapon sa UAAP Season 78 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Tumapos na topscorer para sa Bullpups si John Lloyd Clemente sa itinala nitong 20 puntos, ngunit ang game-winner ni Baltazar ang nagpanalo sa Bullpups na muntik pang naputol ang naunang naitalang 8-game winning run.

Nag-ambag naman si Rhayan Amsali ng 15 puntos at 8 rebounds habang nagdagdag naman si Baltazar ng 12 puntos at 9 rebounds para sa nasabing ikasiyam na sunod nilang panalo.

Sa iba pang mga laro, nagposte ng 17 puntos si Aljun Melecio para pangunahan ang De La Salle-Zobel sa pagpapanatili ng kapit nila sa ikalawang puwesto sa pamamagitan ng 78-52 paggapi sa University of Santo Tomas, habang nakakuha din ng 17 puntos ang defending champion Ateneo kay Shaun Ildelfonso, anak ni dating PBA 2-time MVP Danny Ildefonso, para maigupo ang University of the Philippines Integrated School, 75-67.

Dahil sa panalo ay umangat ang Junior Archers sa kartadang 7-2, panalo-talo isang panalo ang kalamangan sa pumapangatlong Blue Eaglets, na ngayo’y may record na 6-3, panalo-talo.

Umiskor naman ng double-double, 17-puntos at 13 rebounds si Kenji Roman para sa Far Eastern University-Diliman nang padapain nito ang University of the East, 93-79, at makasalo sa ikaapat na puwesto.

Sanhi ng pagkapanalo ay tumabla ang Baby Tamaraws sa Baby Falcons sa kartadang 5-3, panalo-talo.

Bunga naman ng kanilang pagkabigo ay bumaba ang Tiger Cubs sa barahang 3-6 habang nalaglag ang Junior Maroons sa barahang 1-8 at nanatili namang walang panalo ang Junior Warriors matapos ang siyam na laro.

Samantala, winalis ng Ateneo ang first round ng juniors baseball sa pamamagitan ng 10-3 panalo kontra De La Salle-Zobel kasunod ng kanilang 11-8 na panalo noong opening, laban sa UST sa Rizal Memorial Baseball Stadium. - Marivic Awitan