Nagpatawag ng “extraordinary meeting” ang hepe ng International Amateur Athletic Federation ng Germany matapos na madagdagan ang matinding pressure sa athletics world body nang maisiwalat ang ikalawang bahagi ng ulat ng World Anti-Doping Agency.
Nauna nang inilabas ng WADA independent commission na ang dating pinuno ng world athletics na si Lamine Diack ay pinagtakpan ang naganap na organised doping at nang-blackmail ng mga atleta ngunit hindi manlang ito pinansin ng iba pang mga senior officials ng IAAF.
“The allegations of corruption against the leadership of the IAAF are so damning, and have shaken the credibility of the world federation to such an extent, that a sign of awakening must be an extraordinary membership meeting,” pahayag ni German athletics chief Clemens Prokop sa kanyang statement.
Ang ulat ni dating WADA President Dick Pound ay lalo pang nakadagdag sa nakababahalang iskandalo na kinasasangkutan ng nasabing “organised doping” at ang ginawang pagtatago ay naglagay sa world athletics sa mas magulong sitwasyon.
Unang niyanig ni Pound ang mundo ng athletics noong nakaraang Nobyembre sa unang bahagi ng kanyang ulat na naging dahilan upang ma-ban ang athletics superpower Russia sa kompetisyon dahil sa state-sponsored doping.
Ngunit sa kanyang pinakahuling ulat, sinasabing imposibleng walang alam ang IAAF governing council sa lawak ng nangyayaring doping sa athletics at ang kawalan nito sa anti-doping rules ay lalo pang nagdagdag ng pressure sa governing body.
“It is increasingly clear that far more IAAF staff knew about the problems than has currently been acknowledged,” ayon sa ulat ni Pound. “The corruption was embedded in the organisation.
“It cannot be ignored or dismissed as attributable to the odd renegade acting on his own.”
Hindi rin naiwasang ikumpara ang nasabing eskandalo sa korupsiyon at eskandalo sa pamamahala sa global soccer federation-FIFA. (MARIVIC AWITAN)