joey romasanta -page 15 photo copy

Apatnapu’t-siyam na atleta ang nakasama sa listahan ng Philippine Olympic Committee (POC) mula sa mga national sports associations (NSA’s) na kasali sa mga sports na paglalabanan sa isasagawang Rio De Janeiro Olympics sa Agosto 5 hanggang 21 sa Brazil.

“Forty nine athletes have made it to the short list of the Olympic NSAs for accreditation purposes only,” pahayag ni Team Pilipinas Chef de Mission at POC 1st Vice-President Joey Romasanta.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang 49 na pangalan ay isinumite ng mga NSA’s at dumaan sa deliberasyon ng apat kataong bumubuo sa POC Cluster Heads at ni Romasanta noong Huwebes ng umaga.

Kabilang sa listahan ay 5 golfers, 10 boxers, 7 taekwondo jins , 4 triathletes, 4 swimmers, 3 shooters at tig-1 sa canoeing at judo at ilang mga atleta mula sa athletics, basketball, archery at cycling.

Mayroon pang hanggang huling linggo ng Marso ang lahat ng mga NSA’s na punan ang kanilang mga accreditation forms para naman sa deadline sa Abril ng Rio Olympics organizer.

Ipinaliwanag ni Romasanta na ang pagpapadala ng listahan ay isang standard procedure sa Olympics upang maiwasan nito ang pagkakagulo sa pagbibigay ng akredistasyon sa bawat kasaling bansa.

“If and when an accredited athlete fail to qualify, then his or her name will just be removed from the list,” sabi nito. (ANGIE OREDO)