BUKAS na ang kapistahan ng Sto. Niño. Ito ay popular sa mga Pilipino. Mahirap man o mayaman, bata at matanda na deboto ng Holy Child. Ang kapistahan at prusisyon ay isinasagawa bilang pagbubugay kay Sto. Niño.
Nagkalat ang mga imahen at larawan sa iba’t ibang gamit at kasuotan. Mayroong Sto. Niño na nakabihis bumbero o pulis (siyempre, yung hindi nakaunat ang mga kamay para humingi ng lagay!) Mayroon ding Sto. Niño na kulay berde ang buong kasuotan na sumisimbolo sa kulay ng dolyar na siyang minimithi ng mga Pilipino.
Kahit na nakatutulong ang makulay na kapistahan sa turismo n gating bansa, huwag nating hayaan sumentro ang selebrasyon sa ritual, sentimental, panlabas lamang. Katulad ng Batang Hesus na lumaki at nag-mature, ganoon din dapat ang ating pananalig. Tularan ang mga bata hindi maging isip-bata.
Sa gospel ngayong Linggo, sinabi ng Panginoon na: “Amen I say to you, whoever does not accept the Kingdom of God like a child will not enter it” (Mark 13,15).
Ibig sabihin, mas gusto n gating Panginoon ang ugali ng isang bata kesa sa mga ritwal at panlabas na pagpupuri.
Anong katangian ng isang bata ang nagustuhan ni Jesus at labis na pinapahalagahan?
Hindi inisa-isang binanggit ng Panginoon ang mga katangiang maaari nating tularan sa isang bata.
Sa isang birthday party kung saan maraming dumalong bisita, sinabihan ng nanay ang kanyang anak, yung nagdiriwang ng birthday, na magdasal muna bago kumain. “Hindi ko alam ang sasabihin ko,” sabi ng bata. “Sige na. Sabihin mo lang kung ano yung pinagdarasal ni Mama.” sabi ng kanyang ina. At sumagot ang bata, “Sige... Panginoon, salamat po sa mga pagkaing ito. Ngunit, Panginoon, bakit an gang dami kong inimbita para pakainin!”
Ang pangalawang katangin ng bata ay KABABAANG-LOOB. “Whoever humbles himself as this little child, he is the greatest in the Kingdom of Heaven,” sinabi ni Jesus nang patayun niya sa gitna ng kanyang mga disipulo ang isang bata.
Ang pangatlong katangian ng bata ay ang SPIRITUAL DEPENDENCE . Siya ay nagtitiwala sa mga taong mahal siya at may malasakit sa kanya.
At ang huling nais iparating ng Panginoon: “Unless you change and become like children, you will not enter the Kingdom of Heaven.”
Sa kapistahan ng Sto. Niño, hinahamon tayo na tuluran ang katangian ng isang bata. At ang kapalit? Walang iba kundi ang kaharian ng Diyos. (Fr. Bel San Luis, SVD)