Inatasan ng Korte Suprema na dumalo sa oral argument na itinakda sa Enero 19 si Solicitor General Florin Hilbay hinggil sa disqualification case ni Senator Grace Poe.

Base sa limang-pahinang guidelines na inisyu ng SC, hiniling nilang magbigay si Hilbay ng kanyang pananaw kaugnay ng kinahaharap na kaso ni Poe.

“The Solicitor General, as the tribune of the people, is directed to participate in the oral arguments despite his manifestation that he will not represent the public respondent in these consolidated cases,” saad sa guidelines na inisyu ng SC.

Bibigyan si Hilbay ng 10 minuto para ipirisinta ang posisyon ng Office of the Solicitor General kung karapat-dapat bang kumandidato si Poe bilang pangulo ng bansa sa Mayo.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang pananaw ni Hilbay ay hindi kasali sa posisyon ng Comelec at ng apat na petitioner na naghain ng disqualification case laban sa senadora. (Beth Camia)