Magbabalik sa Pilipinas para sa ika-9 na taon ang Jr. NBA /Jr. WNBA Philippines 2016 na inihahatid ng Alaska simula sa Enero 23 hanggang Abril 24.
Ang Jr. NBA/Jr. WNBA program ay libre at bukas para sa lahat ng mga batang lalaki at babae na naglalaro ng basketball na nasa edad 10 hanggang 14 na taon.
Itinuturo nito ang mga “fundamental skills” gayundin ang “core values” ng laro sa “grassroots level” para sa adhikaing maiangat ang karanasan sa basketball ng mga kabataan.
Sa nakalipas na 2015-2016 season, ang Jr. NBA/Jr. WNBA program ay nilahukan ng mahigit sa 6.5 milyong kabataan mula sa 32 bansa, kabilang na ang Pilipinas.
Bubuuin ang Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2016 ng apat na yugto na kinabibilangan ng skills clinics sa mga paaralan at komunidad, Regional Selection Camps, National Training Camp at NBA experience trip.
Ang mga skills clinics ay gaganapin sa buong bansa mula Enero hanggang Abril sa mga piling lugar na kinabibilangan ng Bukidnon, Butuan, Cagayan de Oro, Dagupan, Davao, Iloilo, Metro Manila at Puerto Princesa, at sa unang pagkakataon, sa Batangas, Catanduanes at Cavite.
Ang mga mapipiling outstanding players mula sa mga nasabing clinics ay magkakaroon ng oportunidad para ipakita ang kanilang mga talento sa tryouts na magaganap sa mga Regional Selection Camps, sa Baguio (Pebrero 20-21), Davao (Pebrero 27-28), Cebu (Marso 5-6) at Metro Manila (Abril 9-10).
Ang mapipiling 50 batang lalaki at 24 na batang babae mula sa mga Regional Selection Camps ay makakarating ng National Training Camp sa Manila sa Abril 22-24 na dadaluhan ng isang NBA at isang WNBA player or legend na makakatulong sa pagsasanay at magbibigay inspirasyon sa mga finalists.
Magtatapos ang programa sa pamamagitan ng pagpili ng 10 Jr. NBA at 5 Jr. WNBA All-Stars na bibiyahe kasama ng iba pang mga Jr. NBA All-Stars mula sa Southeast Asia para sa “authentic NBA experience” kabilang na ang live na panonood ng regular na NBA game sa China tampok ang Charlotte Hornets at L.A. Clippers para sa NBA Global Games sa Shenzhen.
“The Jr. NBA Philippines is the league’s longest-running youth basketball program outside the United States,” ayon kay NBA Philippines Managing Director Carlo Singson. “The program continues to positively impact the lives of children, parents, and coaches, and reinforces the positive values that go beyond the four corners of the court.
Together with Alaska, we are committed to providing world-class basketball instruction to more communities to further our mission of encouraging an active lifestyle among Filipino youth.”
“These holistic programs train children to be confident, disciplined and hardworking because Alaska Milk Corporation aims to prepare them to be winners in life in the future,” pahayag naman ni Alaska Marketing Director Blen Fernando.
“Moreover, this year’s program includes new locations such as Batangas, Catanduanes and Cavite to reach more children and coaches and discover unique talents across the country.”
Bukod sa player camps at clinics, isasagawa rin ang 2016 Jr. NBA Coach of the Year mula Enero 22 sa Manila sa pangunguna nina Jr. NBA Head Coaches Craig Brown at Chris Summer kasama si Alaska Power Camp Coach Jeff Cariaso.
Sampung Jr. NBA at apat na Jr. WNBA coaches ang pipiliin bilang mga finalist at sasanayin din sa National Training Camp.
Para sa lahat ng mga nais na sumali, maaari nang magparehistro online - www.jrnba.asia/philippines.