Copy of _DSC0566 copy

MARIING itinanggi ni Solenn Heussaff sa presscon ng pelikulang Lakbay2Love na pinagbibidahan nila ni Dennis Trillo, produced ng Erasto Films, ang naiulat na ikinasal na siya sa kanyang Argentinian boyfriend na si Nico Bolzico noong Disyembre.

“We just celebrated in Argentina because I haven’t seen Nico’s parents for two years. It’s a celebration lang,” paglilinaw ni Solenn.

Ang kaibigan niyang si Isabelle Daza ang nakitaan ng mga litratong ipinost sa IG, nakasuot ng puting damit si Solenn at gayundin ang iba pa nilang mga kaibigan na sina Bubbles Paraiso at Anne Curtis.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Loko-loko ’yang si Isabelle, eh!” natawang sabi ni Solenn. “Isi-share ko lahat ’pag nangyari na ang walking down the aisle. Matagal pa ’yan. Isi-share ko rin ’yan.”

May hawak din kasing bulaklak sa posts si Solenn kaya nasabing ikinasal na siya, at hindi nga lang siguro sa simbahan.

“But it was only for Argentinians, ’yung nangyari,” pangangatwiran ng aktres.

Magpapa-sexy pa rin ba si Solenn sa pelikula ngayong may asawa na siya? (Hindi niya ikinorek ang terminong ‘asawa’ at sinagot pa rin niya ang tanong.)

“Walang nabago, maghuhubad pa rin ako, joke! Feeling-wise, same, same. Ha-ha-ha! I am still the same. Maghuhubad pa rin ako sa stage. Magpu-pose pa rin ako ng sexy. Solenn forever!” aniya.

At kung sakaling ikakasal na nga sila ni Nico sa simbahan ay sa France ang gusto niya.

“When the big day happens, I promise that GMA will be the one to cover,” pahayag ni Solenn.

Paliwanag ni Solenn, pagkatapos kasi ng engagement nila ng boyfriend niya ay hindi pa sila nagkaroon ng selebrasyon kaya ito ang nangyari sa Argentia kasama ang magulang ng mapapangasawa.

Samantala, na-enjoy ni Solenn ang shooting ng Lakbay2Love dahil bukod sa nakapag-exercise sila ni Dennis, bikers kasi ang papel nila, may kinalaman pa sa pangangalaga ng kapaligiran ang tema kuwento.

“The story is very cute and may global warning, climate change. It’s a movie (about) fitness, love and finding yourself,” say ni Solenn.

Bukod sa istorya ay na-amaze ang aktres sa pinagsyutingan nilang bike store dahil halos lahat ng klase ng bisikleta ay nakita niya.

“Hindi ko alam na ganu’n pala karaming bike types, during the filming of the movie, we shoot sa isang vintage store, so lahat ng klaseng bikes nandoon, real ones like first world war, that was so fascinating to see all those bike types na may pro-women pala kasi naka-skirt sila dati, so it was very interesting for me to learn more of that.

“Now, I want to go to places to bike. When I go travel, I want to bike around coz’ it’s the easiest to discover the city or place. And part of it, exercise na rin,” kuwento ng aktres.

At ang gustung-gustong eksena ni Solenn ay pag-akyat nila sa Mt. Maranat (Rodriguez, Rizal).

“Yes, nag-hike kami for 13 hours to shoot one scene, walang trail halos, ‘tapos may tubig pa, ‘tapos we went to this devastated forest na wala nang puno, and some of the forester that lives there were helping to keep-off the weeds, very sad actually.”

Sayang at hindi kami umabot sa screening ng Lakbay2Love noong Miyerkules dahil sa matinding trapik.

Mapapanood ang Lakbay2Love sa Enero 29, 5 PM sa Quezon Hall Amphitheatre suportado ng La Mesa Ecopark, 7-Eleven, Timberland Heights, Firefly Brigade at Cordillera Conservation Trust.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Ms. Ellen Ongkeko-Marfil. (REGGEE BONOAN)