Ang shoe inserts, back-support belts at iba pang gadgets ay maaaring magastos na paraan para maiwasan ang lower back pain. Sa halip, ehersisyo ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang pangkaraniwang karamdaman, ayon sa bagong pag-aaral.
Nadiskubre ng mga researcher na ang pag-eehersisyo, o pag-eehersisyo na may sapat na kaalaman upang maiwasan ang back pain, ay epektibo upang maiwasan o maibsan ang pananakit ng likod. Ang sapat na kaalaman o impormasyon, ang pag-aaral ng tamang posture ay maaaring sabayan ng ehersisyo.
Nasa 80 porsiyentong kabataan sa U.S. ang nakararanas ng lower back pain, ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke.
Ang mga taong nakiisa sa isang exercise program at nakatanggap ng karagdagang instruction ay may 45% tsansa na hindi makaramdam ng pananakit ng likod, kumpara sa mga taong hindi nakiisa sa naturang programa, ayon sa pag-aaral na inilathala sa online noong Enero 11, sa journal ng JAMA Internal Medicine.
Ito ay nangangahulugan na ang pag-eehersisyo na sinasabayan ng sapat na pag-aaral ay mas malaking tulong:
Nababawasan nito ang posibilidad na magkaroon ng lower back pain, ayon sa author ng pag-aaral na si Daniel Steffens, isang chronic back pain researcher sa University of Sydney sa Australia.
Ngunit, tandaan na hindi lahat ay akma at epektibo para maiwasan ito. Napag-alaman sa pag-aaral na hindi epektibo ang impormasyon lang. Katulad ng pagsusuot ng back belts (isinusuot upang maprotektahan ang likod kapag magbubuhat ng mabigat), at ng shoe insoles at ergonomic adjustments.
Sa madaling salita, ang iba’t ibang paraan na pinaniniwalaan upang maiwasan ang lower back pain ay walang kasiguruhan kung epektibo, sabi ni Steffens sa Live Science.
“However, formal exercise instruction after an episode of lowback pain is uncommonly prescribed by physicians,” ayon sa editorial. (LiveScience.com)