INIHATID na si German “Kuya Germs” Moreno sa kanyang huling hantungan kahapon, sa pangunguna ng kanyang anak na si Federico, pamangking si John Nite, mga apo, iba pang mga kaanak, at mga kaibigan sa loob at labas ng entertainment industry.

Pagkatapos ng funeral mass sa GMA studio, maraming tao ang sumunod sa convoy na nagdala sa kanyang mga labi patungo sa kanyang huling himlayan sa Loloya Memorial Park sa Marikina.

Kabilang sa mga artistang nakibahagi sa huling pamamaalam kay Kuya Germs sina Nora Aunor, Billy Crawford, Shaina Magdayao, Vina Morales, Jestoni Alarcon, at Jonalyn Viray. Nakipaglibing din ang dating unang ginang na si Imelda Marcos.

Pumanaw si Kuya Germs, ang star maker at mentor ng maraming artista, TV host, komedyante, at radio anchor, sanhi ng cardiac arrest noong Enero 8. (Dindo M. Balares)
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter