STA. ROSA, Nueva Ecija — Nahuli sa akto ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) at intelligence operatives ng Sta. Rosa Police ang dalawang durugista sa anti-illegal drugs operation sa Barangay Burgos sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, naaresto sina Raymond Reyes y Refoja, 27, delivery boy; at Billy Joe Santos y Mesde, 20, binata, tricycle driver, kapwa residente ng Bgy. Tramo ng nasabing bayan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Nino Calleung, dakong 2:30 ng hapon, nang maaktuhan ng raiding team ang mga suspek na nagsasagawa ng pot session sa isang abandonadong hardware.

Kasong paglabag sa Section 15 ng Article II, RA 9165 ang isinampa laban sa mga suspek. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog