Umiskor si James Harden ng 25 puntos, nagdagdag si Dwight Howard ng 17 puntos at 14 rebounds nang padapain ng Houston Rockets ang Memphis Grizzlies, 107-91.

Nagtapos naman si Terrence Jones na may 20 puntos para sa Houston, 10 dito ay itinala niya sa fourth period kung saan kumawala ang Rockets para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Binasag ng Rockets ang pagkakatabla ng laro sa 83-all at nakalamang ng 18 puntos sa stretch kung saan nilimitahan nila ang Memphis sa walong puntos.

Pinangunahan ni Marc Gasol ang Memphis sa ipinoste nitong 20 puntos habang nagdagdag naman sina Tony Allen ng 17 puntos, Courtney Lee ng 16 at Mario Chalmers, Zach Randolph at Vince Carter ng tig-10 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kumunekta ang Rockets ng 18 mula sa 35 attempts sa 3–point arc kumpara sa 7-of-18 ng Memphis.

Dinomina rin nila ang boards 42-31,kabilang na ang 18 offensive glass na nagresulta naman sa 28-12 na bentahe sa second-chance points.

Naitabla ni Carter ang laro sa 83 matapos ang isang 3-point play may 7:35 pang oras na nalalabi. Ngunit nabalahaw na ang opensa ng Memphis mula doon habang pinangunahan naman nina Jones at Howard ang opensa ng Rockets.