Napatay ang isang pastor na itinuturong drug pusher matapos umanong makipagbarilan sa pulisya sa Sitio Spider, Zone 6, Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rene Reyes, residente ng Lanao del Norte.

Ayon kay Chief Insp. Japhet Paglinawan, hepe ng Carmen Police Station, nagsagawa sila ng buy bust operation laban sa suspek na nauwi sa palitan ng putok matapos manlaban sa pulisya.

Aniya, may mga kasamahan ang napatay na suspek subalit nakatakas sa kasagsagan ng operasyon.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nasamsam ng pulisya mula sa suspek ang ilang sachet ng shabu, sari-saring drug paraphernalia at isang .45 caliber pistol.

Matagal nang sinusubaybayan ng pulisya ang bawat galaw ng suspek makaraang makakuha ng impormasyon na ito’y nagbebenta ng droga at kahapon ay tuluyang natukoy ang pinagtataguan nito. (Fer Taboy)