Tinukoy ng Police Regional Office-3 (PRO-3) ang 41 bayan at lungsod sa Central Luzon na kabilang sa kanyang election watchlist.

Ang pagsama sa watchlist ay ibinatay sa mga iniulat na insidente sa mga nakalipas na halalan.

Ang mga lugar na ito ay ang Dingalan, Baler, at Maria Aurora sa Aurora; Dinalupihan at Limay sa Bataan; at Dona Remedios Trinidad, San Jose Del Monte, San Miguel, San Ildefonso, Baliwag, at Meycauayan sa Bulacan.

Kabilang din ang Bongabon, Cabanatuan City, Jaen, Aliaga, Quezon, Licab, Zaragoza, San Leonardo, Munoz, Pantabangan, Sto. Domingo, Gapan City, Cabiao, Talavera, General Tinio, San Antonio, at Talugtug sa Nueva Ecija.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Pasok din sa listahan ang Arayat, Masantol, at Mexico sa Pampanga; Bamban, Paniqui, San Jose, Capas, San Manuel, Tarlac City, at Mayantoc sa Tarlac; at Botolan, Castillejos, at Masinloc sa Zambales.

Sinabi ni Chief Supt. Rudy Lacadin, PRO-3 director, na mayroong heightened security preparation sa mga lugar na ito gaya ng pagpapadala ng karagdagang tauhan, pagpapaigting sa police operations, mobile patrol at karagdagang checkpoints.

Sinabi ni Lacadinna tinalakay ito sa 1st Regional Joint Security Coordinating Center na dinaluhan ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec), Philippine National Police (PNP) at 7th Infantry Division ng Philippine Army.

Kaugnay nito, naglatag ang PRO-3 ng kabuuang 199 na checkpoint sa Central Luzon sa pagsisimula ng gun ban sa panahon ng eleksiyon. (PNA)