Billy-Crawford copy

NASA Europe si Billy Crawford nang bawian ng buhay ang kanyang discoverer/mentor at tatay-tatayan sa showbiz na si Kuya Germs noong January 8 sanhi ng cardiac arrest.

Pero kahit nasa malayong lugar ang It’s Showtime host at dating miyembro ng That’s Entertainment ng Master Showman, isa siya sa mga unang nakaalam sa malungkot na balita.

“Hindi ko lang talaga alam kung ano’ng sasabihin ko. No’ng tinawagan ko si Kuya Freddie (Federico Moreno, anak ni Kuya Germs), nasa hospital sila. Pagtawag ko sa kanya, bigla na lang sabi niya sa akin, ‘Bro, magpapaalam na si Papa. Kausapin mo.’ So, utal-utal ‘yung utak ko. Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Kinakausap ko siya ‘tapos obviously wala namang response. No’ng naputol kami, doon nag-register kung ano ‘yung nangyayari,” pahayag ni Billy.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

“There’s always a time na pag-iisipan mo na sana nasabi ko ito or sana nakita ko siya before he passed away. Ganoon talaga. It came as a shock to everyone,” aniya pa.

Ikinuwento rin ni Billy ang naging matinding tampo sa kanya ni Kuya Germs noong hindi siya nagpaalam nang lumipat siya ng ABS-CBN, taong 2008. But knowing Billy and Kuya Germs, tampuhang tatay-anak lamang ang namagitan sa kanila.

Hindi rin kasi nagtagal, nagkabati sila at tinanggap ng Master Showman ang kanyang naging desisyon.  

“Hindi naman mawawala ‘yun (tampuhan) sa pamilya. Si Papa ay laging nandiyan to scold you. Si Kuya Germs kasi isa sa pinaka-professional at pinaka-loyal ‘yan. It really hurt him for a while na nagkahiwalay kami ng landas. At the end of the day, siguro hindi niya talaga matiis ang pagmamahal niya sa mga anak niya.

“Hindi lang siya basta tatay ko sa showbiz. Siya na rin ang isa sa nagpalaki sa akin. He is my so-called father as well. Wala naman ako dito kung wala ang isang Kuya Germs sa buhay ko,” sabi ni Billy nang makapanayam sa wake ni Kuya Germs sa Mt. Carmel Church. (ADOR SALUTA)