AKALAIN ba ninyong umabot na umano sa P2.3 bilyon ang nagagastos ng apat na kandidato sa pagkapangulo kahit na hindi pa nagsisimula ang aktuwal na kampanya. Dahil sa walang habas na paggastos ng mga kandidato, na kung tawagin ng “tigre” sa Senado na si Sen. Miriam Defensor-Santiago) ay “ad splurge”, tipak ang mga may-ari ng TV stations, radyo at pahayagan sa tinatanggap nilang milyun-milyong advertisements.

Batay sa mga ulat, ang top spender ay si Liberal Party candidate Mar Roxas na umabot na umano sa P774 milyon ang nagastos. Sumunod sa kanya si VP Jojo Binay na umabot naman sa P695 milyon, pangatlo si Sen. Grace Poe na nasa P694 milyon, at pang-apat si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa ginastos na P129 milyon. Teka muna, bakit hindi binanggit ni MDS kung magkano ang kanyang nagastos at ang nagastos ni ex-Ambassador at ngayon ay Rep. Roy Señerez?

Kung sa bagay, ang pulitika ay itinuturing na almusal, pananghalian, hapunan at panghimagas ng mga Pinoy. Sila ba naman ay nabibiyayaan sa P2.3 bilyong nagastos ng mga kandidato o ang halagang ito ay ekslusibong para lang sa mga may-ari ng TV, radyo at pahayagan? Nakatunganga pa rin sila.

Nag-akusa si Sen. Santiago na halos lahat ng kandidato ay gumastos na ng lampas sa itinakda ng Comelec. Nais ni Sen. Santiago na mag-imbestiga ang Senado tungkol sa “ad splurge” o walang habas na pag-aanunsiyo ng mga kandidato.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Iminungkahi niyang talakayin at pagtibayin ang kanyang Anti-Premature Campaigning Act upang mapigilan ang maagang pangangampanya ng mga kandidato at maiwasan ang malaking gastos.

Isipin ninyo dear readers, ang suweldo ng Pangulo ng Pilipinas ay P120,000 lang, ayon kay Sen. Santiago. Nalaman niya na sa loob ng anim na taon ay P8.4 milyon lang ang kanyang kikitain. Samakatuwid, papaano raw maibabalik ang milyun-milyon (o baka bilyon pa) na ginastos ng mga kandidato?

Nangako ang palamurang si Duterte na babaguhin ang sarili, mula sa pagiging local executive hanggang sa isang kagalang-galang na pambansang lider kapag nahalal na pangulo ng bansa. “The clock is ticking. The transformation must begin,” sabi ni Duterte. Sa panig ni Sen. Trillanes, mas mapanganib si Duterte kesa kay VP Binay na maging pangulo dahil papatayin niya ang itinuturing niyang mga kriminal nang walang kaukulang legal na proseso.

Hindi raw mag-iinhibit si Sen. Grace sa muling imbestigasyon ng Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 SAF commando ng Philippine National Police. Gayunman, sinabi ni Poe na hindi magbabago ang kanyang ulat na pirmado ng mga senador ano man ang maging resulta ng reinvestigation. Ang dapat sisihin ng Malacañang sa Mamasapano reinvestigation ay hindi si Amazing Grace kundi si Juan Ponce Enrile na naipakulong ng administrasyon sa kasong plunder gayong tinulungan niya si PNoy na ma-convict si ex-SC chief justice Renato Corona. (BERT DE GUZMAN)