Nilinaw ng Department of Agrarian Reform na walang isinagawang panibagong raffle ang ahensiya sa Hacienda Luisita kasunod ng ulat ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na ini-raffle muli ang 358 ektaryang lupain sa Bgy. Balete at Cutcut sa Tarlac City
Iginiit ng mga magsasaka na ibinigay na sa kanila ng gobyerno ang lupain at hindi maaaring i-raffle pang muli.
Paliwanag ni Assistant Secretary Justin Vincent Lachica, maaaring nalito lamang ang mga magsasaka sa inanunsyo ng DAR Provincial Office sa Tarlac noong Disyembre 29, 2015 hinggil sa listahan ng Agrarian reform beneficiaries ng 358 ektaryang lupang sakahan. (Jun Fabon)