ANGEL LANG_please crop copy

MAY nasagap kaming information na babalik sa Pebrero si Angel Locsin sa ospital sa Singapore na nagsagawa sa kanya ng laser operation dahil may nakita pang diperensiya sa may batok niya na konektado sa spine.

Base sa nakuha naming kuwento ay 11 days mawawala ang aktres pero hindi naman daw ito makakaapekto sa pagiging hurado niya sa Pilipinas Got Talent Season 5 dahil mag-a-advance taping na sila simula ngayong linggo.

Matatandaang ang problema ni Angel sa spine ang dahilan kaya hindi na niya puwedeng gawin ang Darna at kamakailan nga ay sumailalim na ang aktres sa operasyon.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Panalangin ng supporters ni Angel na tuluyan na siyang gumaling dahil sabik na silang muling mapanood ang kanilang idolo sa pelikula at telebisyon.

And speaking of pelikula, interesting ang Everything About Her nila nina Gov. Vilma Santos at Xian Lim na idinirek ni Bb. Joyce Bernal handog ng Star Cinema. Mapapanood na ito simula sa Enero 27, Miyerkules. (REGGEE BONOAN)