BEIRUT (AFP) – Binomba ng Russia nitong Sabado ang isang bilangguang pinangangasiwaan ng teroristang grupong kaalyado ng Al-Qaeda sa Syria, sa hilaga-kanluran ng bansa, at 39 na katao ang napatay, kabilang ang limang sibilyan, ayon sa isang monitoring group.

Nasapol ng air strikes ng Russia ang isang gusali ng Al-Nusra Front, malapit sa kilalang pamilihan ng Maarat al-Numan sa probinsiya ng Idlib, ayon sa Syrian Observatory for Human Rights.

Nasa gusali ang religious court at bilangguan ng grupo, at karamihan sa napatay ay mga rebeldeng ikinulong ng Al-Nusra, habang nasawi rin ang ilang prison guard, mga mandirigmang Al-Nusra, at limang sibilyan, kabilang ang isang paslit.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture