Isang mekaniko ang namatay matapos na madaganan ng truck na kanyang kinukumpuni sa Malabon City, nitong Sabado ng hapon.

Dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon si Abigael Royo, 29, ng Gabriel Compound, Governor Pascual Avenue, Barangay Potrero ng nasabing lungsod, dahil sa pagkabasag ng bungo at pinsala sa dibdib.

Ayon sa report, dakong 5:00 ng hapon at inaayos ng biktima ang sirang truck (RJY-736) sa kanilang garahe.

Kumambyo ang pagkakalagay ng jack ng truck at bumagsak ang dambuhalang sasakyan kay Royo, na noo’y nasa ilalim.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa tindi ng bigat ng sasakyan, nabasag ang bungo ng biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan. - Orly L. Barcala