Ibabalik ng Talk ‘N Text ang kanilang kontrobersiyal na import na si Ivan Johnson bilang reinforcement sa darating na 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Ang import na pinagmulta ng PBA ng P150,000 noong nakaraang taon matapos nitong sadyang banggain si Rain or Shine coach Yeng Guiao noong Game One ng kanilang best of -7 PBA Commissioner’s Cup finals series.

Ayon kay Racela, nakatakdang dumating sa kalagitnaan ng kasalukuyang buwan ang African-American na tubong San Antonio,Texas at nakapaglaro sa Texas Legends sa NBA D League noong 2014-2015.

Tinatapos lamang nito ang kanyang stint sa San Sebastian Gipuzkoa BC sa Spain bago bumalik ng Pilipinas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bukod sa kanyang pagbangga kay Guiao, marami pa itong kinasangkutang gulo habang naglalaro sa Tropang Texters noong nakaraang taon, kabilang na dito ang pakikipagsigawan kay Alaska coach Alex Compton sa eliminations ng 2015 PBA Commissioner’s Cup, ang paghahamon ng away kay Marc Pingris ng Star noong semifinals at ang muling paghahamon ng away kay Rain or Shine player Ryan Arana noong finals.

Gayunman, sa kabila ng hindi maganda nitong record, naniniwala ang pamunuan ng Tropang Texters na maaasahan naman ang dating manlalaro ng Atlanta Hawks sa NBA pagdating sa loob ng court.