BACK in the Philippines na si Alden Richards after niyang mawala sa kalyeserye ng Eat Bulaga ng apat na araw. Pero masaya pa rin naman ang mga tagasubaybay ng noontime show kahit nakapa-phone patch lang si Alden from Dubai at may halong tampuhan at selosan ang pag-uusap nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza), dahil laging pumapasok sa usapan nila ang pangalan ni Jake na kaklase raw ni Yaya.

Anyways, thankful si Alden sa mainit na pagtanggap ng AlDub Nation sa kanya sa Dubai noong January 6 & 7 at sa Doha, Qatar noong Friday, January 8. Naging cover ng Gulf News Pinoy Showbiz si Alden pagdating niya roon, pinagkaguluhan siya at hindi naging maayos ang meet and greet event dahil sa rami ng mga taong dumating. 

Sa interview, tinanong si Alden kung paano siya nakaka-connect sa kanyang milyun-milyong fans all over the world.

“I always relate, I always sympathize with the fans. Everyday I put myself in their shoes. A simple hello, a simple smile would mean a lot to them. For me that’s not a big thing to ask for, so I always see to it that I always entertain them. It means a lot to them, a simple tweet, a simple photo updating them. They always want a piece of your day. For me it isn’t too much to ask. It’s not an obligation to me. I want to do it for them. If not for the fans there are no celebrities, so we owe it to them. 

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

“Of course, I always pray that the Lord gives me wisdom to endure everything, and take everything easy and to focus and to take all this in without letting it get to my head.”

Kinabukasan ng show ni Alden sa Dubai Tennis Stadium last December 7, naglabas naman ng review ang Gulf News.

Naiulat na hindi inintindi ng fans ang grabeng lamig ng gabi dahil open nga ang tennis stadium at nakipagsabayan sila sa pagkanta ng opening song ni Alden na Akin Ka Na Lang. Sa tanong ng mga fans kung bakit hindi niya kasama si Maine, ang sagot niya, “I promise to bring Maine soon on my next visit to Dubai.”

Sinundan ito ng ilan pang songs tulad ng Thinking Out Loud, ang most requested song na God Game Me You, at ang Wish I May na title ng album niya sa GMA Records at iba pang songs. Nasa review rin ang interview sa AlDub fans na nagtatrabaho roon. 

Sa first day niya sa Dubai, nagkaroon muna siya ng chance na makapunta sa Dubai Desert Safari at nakapag-ice skating sa Dubai Ski. Na-meet niya ang iba’t ibang fans club affiliated sa AlDub Maiden in Dubai. 

Early morning naman ng January 8, lumipad na si Alden para sa “Alden Live In Doha” sa Qatar. Kinagabihan ginanap ang show ng GMA Pinoy TV sa Qatar International Convention Centre, kasama niya ang komedyanang si Boobsie. Pagkatapos ng show ay nagkaroon pa ng meet and greet sina Alden at Boobsie with the fans na maghahatinggabi na nang matapos. 

Bago bumalik si Alden sa Pilipinas kahapon, nakapasyal pa siya sa ilang lugar sa Doha. Today, mapapanood na si Alden sa Sunday Pinasaya. (Nora Calderon)