Apat na katao ang iniulat na nasawi dahil sa leptospirosis sa Oriental Mindoro, kaya naman pinaigting ng pamunuan ng Department of Health (DoH)-Mimaropa ang kampanya nito laban sa naturang sakit.

Ayon kay DoH-Region 4-B Director Eduardo Janairo, ang pagdami ng kaso ng leptospirosis ay bunsod ng pananalasa ng bagyong ‘Nona’ sa rehiyon kamakailan.

Sa ngayon, aniya, ay partikular na pinaigting ng DoH ang pagsusumikap na masugpo ang leptospirosis sa Baco, Naujan, Gloria, San Teodoro, at Calapan City sa Oriental Mindoro. (Mary Ann Santiago)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente