BATANGAS - Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang most wanted person sa Laguna, alinsunod sa Oplan: Lambat Sibat ng pulisya sa Batangas.

Naaresto si Ruben Añonuevo, 21, taga-Barangay San Roque, Luisiana, Laguna, sa pagtangay umano sa pera ng kanyang amo.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 10:00 ng umaga nitong Enero 7 nang maaresto si Añonuevo sa Bgy. Dayapan sa Lemery, Batangas.

Inaresto ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng Batangas PPO at Laguna PPO, at Laguna Police, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Cynthia Ricablanca, ng RTC Branch 27, sa Sta. Cruz, Laguna. (Lyka Manalo)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog