TALAVERA, Nueva Ecija - Nasawi ang isang 53-anyos na magsasaka makaraan itong pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki sa Purok Aguinaldo sa bayang ito, nitong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ni P/Supt. Roginald A. Francisco, OIC chief ng Talavera Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Larry Mangupit y Santos, may asawa, residente ng nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Gilbert Dizon, dakong 7:00 ng umaga at nagbubungkal sa bukid ang mga suspek na sina Andres Sagun y Vera Cruz, 51; Janil Ortega y Sobrecare, 32, tubong Mali, Davao Oriental, at kasalukuyang naninirahan sa Bgy. Pinagpanaan; at Edmund Pascual y Rigor, 34, nang lapitan at kumprontahin sila ng biktima dahil sa pakikialam umano sa kanyang palayan.

Sa kainitan ng pagtatalo, pinagbabaril ni Sagun si Mangupit, na nang bumagsak ay pinagbabaril din ni Ortega, habang nagsilbi namang look-out si Pascual.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagtangkang tumakas, pero nadakip din ang tatlong suspek. (Light A. Nolasco)