Maghahain ng motion for reconsideration ang Land Transportation Office (LTO) upang hilingin na payagan sila ng Commission on Audit (CoA) na mai-release ang naipong tatlong milyong license plates.

Sa isang panayam sa telebisyon, tiniyak ni LTO Chief Roberto Cabrera na maghaharap sila ng mosyon sa susunod na linggo upang kumbinsihin ang CoA na “legal ang pagbili nila ng yellow plates sa isang Dutch company.”

“At first, CoA was saying that we didn’t have the budget to order so many plates for, I think, a period of five years. However, our position is the General Appropriations Act eventually allowed or gave us the budget already if I’m not mistaken P4 billion,” ani Cabrera.

Umaasa rin si Cabrera na pagbibigyan sila ng CoA upang maipamahagi na nila ang mga license plate bago pa matapos ang termino ni Pangulong Aquino sa Hunyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nilinaw din niya na nakabatay sa international standards ang nasabing mga bagong plaka na nagkakahalaga ng P450.

(Rommel P. Tabbad)