VILMA copy

IPAPALABAS na sa January 27 ang Everything About Her na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Angel Locsin at Xian Lim.

Simula nang ipalabas ang teaser ng nasabing pelikula ay kinukulit kami ng kaibigan naming Vilmanians na isulat naman daw namin na sobra silang nagagandahan kahit trailer pa lang ng Star Cinema, directed by Bb. Joyce Bernal, ang nasisilayan nila.

“Sobrang napakaganda ni Ate Vi sa trailer at kabogera ang mga suot niyang outfits. Mula sa pagtunog pa lang ng mga stilletto niya at hanggang sa styling at mga iba’t ibang mamahaling salamin na suot niya, eh, alam mo nang this is an event movie na talagang pag-uusapan ng lahat. And for sure kikita ito nang husto,” sey ng bakasyunistang si Master Joey Cruz.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pero ang isa sa pinakagusto naming eksena sa teaser ay iyong kausap ni Ate Vi ang doctor niya at binanggit sa kanya na may stage three kanser siya. Classic na classic ang reaksiyon ng orihinal na grand slam actress.

“Doc, cancer lang ito, hindi ako mababaliw sa cancer!” At sinabayan pa ng ng napakaimpaktitang tawa ng Star for All Seasons.

Nag-reply naman kaagad si Gov. Vi nang hingan namin ng reaksiyon through text message sa napakagandang reaksiyon ng fans niya, sabay nagpasalamat na rin siya sa mga kanyang mahal na Vilmanians sa pangunguna ng presidente ng mga ito na si Mr. Jojo Lim.

“Sana magugustuhan ng lahat ang pelikula. Bibihira na rin naman ako gumagawa ng movie at regalo ko ito sa kanilang lahat,” banggit pa ng magiging kongresista sa lone district ng Lipa City.

Excited na rin ang iba pang moviegoers na mapanood ang Everything About Her.

“Excited na ‘ko sa movie nila ni Ate Vi at Angel… ang ganda,” sey ng isa naming kaibigan na tagahanga rin ni Ate Vi.

Ayon naman sa isa naming kasamahan sa panulat, hindi raw niya akalain na may chemistry pala sina Angel Locsin at Xian Lim. Bagay na bagay daw ang dalawa.

Powerful na CEO ng isang company ang papel ni Ate Vi sa nasabing pelikula, at natuklasan nga niyang may kanser pala siya. Anak ni Ate Vi sa movie si Xian Lim na nasa America. Kinuha naman niyang tagapag-alaga si Angel Locsin, kaya nga “The Caretaker” ang unang naging working title nito. (JIMI ESCALA)