ISA pang love team ang gusto ring mapansin, ang tambalang Julia Barreto at Kenzo Gutierrez.

May fans na ring sumusuporta sa kanila sa serye nilang And I Love You So kasama sina Iñigo Pascual at Miles Ocampo.

Mukhang magki-click naman ang dalawa lalo’t may nakaraan naman sila noong mga bagets pa sila base na rin sa kuwento ni Kenzo noong nasa loob pa siya ng PBB house, bagay na ikinagulat ng lahat dahil malaking revelation iyon.

Si Iñigo ang alam naming makaka-love team dapat ni Julia, pero sa pagpasok ni Kenzo sa And I Love You So ay sila na ang magiging forever at ang anak ni Piolo Pascual ay si Miles na ang makakapareha.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Half sisters sina Miles (Joanna) at Julia (Trixie) sa kuwento ng And I Love You So at hindi sila magkasundo kaya sa bawat masamang nangyayari sa isa ay ang isa sa kanila ang pagbibintangan.

Sa tumatakbong kuwento ngayon ng And I Love You So, si Trixie (Julia) ang pinagbibintangan ng tao na lumason sa half-sister niyang si Joanna (Miles).

Pagkatapos ng biglaang pagkahimatay ni Joanna sa kasal ng kanyang mga magulang na sina Michelle (Dimples Romana) at Alfonso (Tonton Gutierrez), kumalat ang balitang nilason ni Trixie si Joanna at naging usap-usapan sa kanilang paaralan.

Ngunit sa kanyang hinala na si Katrina (Angel Aquino) ang may sala sa pagkakalason ni Joanna, nagsagawa ng imbestigasyon si Alfonso upang mahuli at pagbayarin si Katrina sa ginawa.

Tutukan ang kapana-panabik na mga eksena sa And I Love You So, tuwing hapon sa ABS-CBN.