Patuloy na naghihintay ang mga differently-abled athletes na kasama sa pambansang delegasyon na nagwagi ng mga medalya sa nakalipas na 8th Asean Para Games sa Singapore para sa kanilang pinakaunang lehitimong insentibo mula Philippine Gaming Corporation (PAGCOR).

Ito ang napag-alaman kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia matapos na hindi maibigay ang dapat sanang kabuuang P6,783,750 insentibo na para sa differently-able athletes base sa bagong batas na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Nobyembre 2015.

“We’re still waiting for the funds coming from PAGCOR,” sabi ni Garcia ukol sa pondo na ipapamahagi nito sa mga miyembro ng PHILSpada na nagwagi ng 16 na ginto, 17 pilak at 26 na tansong medalya sa ginangap na Asean Para Games noong Disyembre 3 hanggang 9.

Hindi mapaluwalan ng PSC ang dapat sanang ipapamigay noong Pasko na P6milyon sa mga atleta dahil hindi pa din naibibigay ang nauna nang iniabono ng ahensiya na kabuuang P13milyong insentibo nsa mga nagwagi ng medalya noong 28th Singapore SEA Games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang pinakaunang pagkakataon na dapat makakatanggap ng insentibo ang differently-abled athletes base sa Republic Act 10699 na sinuportahan ni Senador Sonny Angara matapos amiyendahan ang batas na bawat differently-abled athletes na mag-uuwi ng medalya ,mula sa mga international tournaments ay pagkakalooban ng insentibo na kinapapalooban ng P175,000 para P75,000 para sa pilak at P30,000 para sa tanso.

Matatandaang hindi kasama sa unang batas hinggil sa insentibo na RA 9064 ang mga attletang may kapansanan kung saan nakadepende lamang ito sa magiging desisyon ng PSC na katiting na halaga na ipinamimigay. (Angie Oredo)