Delubyo ang mangyayari sa Pilipinas kung si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mananalo sa halalan sa Mayo.

Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, hindi uubra ang istilo ng liderato ni Duterte sa pamamahala ng bansa.

Aniya, mistulang “Pol Pot” o pagbabalik ng batas militar na pamamahala ang mangyayari dahil tiyak na kabi-kabila ang patayan sa mga sasalungat sa kagustuhan ni Duterte.

“It’s going to be a disaster for the country. You don’t just say ‘I’m going to rid criminality in 3-6 months.’ What are you going to do? Are they going to implement the ‘Pol Pot formula’ which has failed before? Or a milder version which is a draconian environment like the Martial Law years?” ayon kay Trillanes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, mas nais pa niyang mahalal si Vice President Jejomar Binay kaysa kay Duterte kahit na malabo itong mangyari.

“But it doesn’t mean I’m going to turn a blind eye on his ways, because I am sure 100 percent that he will not change. If you put a plunderer into the presidency, you don’t expect the guy to be a saint. Expect him to plunder more,” giit ni Trillanes.

Si Trillanes ang isa sa mga pangunahing kritiko ni Binay, partikular sa isyu ng kurapsiyon na iniimbestigahan sa Senado.

Inihirit pa ni Trillanes na kung kuntento na ang bayan sa pamamahala ni Pangulong Aquino, mas mainam pa na piliin na lang ng mga botante si dating Interior Secretary Mar Roxas ng Liberal Party bilang susunod na presidente ng bansa.

(Leonel Abasola)