1_plastic-containers-lead-to-diabetes-medium copy

Ang pag-iinit ng mga natirang pagkain ay isa sa mga paraan upang hindi maging maaksaya at magastos. Ngunit kung paano ito nagiging mapanganib, maaaring tanungin si Michael Mosley.

Matapos ang handaan, karaniwan na may mga natitirang pagkain na nakapanghihinayang itapon. Ang ibang natirang pagkain, mas makabubuti kung iinitin at muling ihahain.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa kabilang banda, siyempre, walang bihasa sa atin pagdating sa usaping food poisoning. Kung sakaling nakaranas kang malason dahil sa pagkain, alam mo kung gaano kapangit ang karanasan. Karaniwang makararanas ng pagsusuka, pagtatae at pananakit ng tiyan.

Halos isang milyon katao kada taon ang nalalason dahil sa pagkain sa UK — kalahati sa mga ito ay sarili nilang luto (katulad ng barbecue at mga tira-tirang pagkain noong Pasko).

So, anu-ano nga ba ang mga patakaran? Paano at kailan ligtas kainin ang ininit na pagkain?

Bacteria ang karaniwang dahilan ng food poisoning. Ito ay hindi gaanong alam ng karamihan ngunit talamak na nangyayari. Tinatawag itong Campylobacter at ayon sa Food Standards Agency, sa UK ay 65% nito ang matatagpuan sa mga manok na ibinibenta.

At sa isinagawang survey kamakailan, ang nasabing bacteria ay natagpuan sa packaging ng supermarket chicken.

Ang Campylobacter ay kayang manatili ng hanggang ilang oras sa mga manok, kaya’t mabilis itong kumalat. Magkakasakit pa rin kahit konting bacteria lamang ang makapasok sa katawan.

Kailan dapat mag-ingat upang maiwasan ang food poisoning?

Narito ang ilan sa mga pagkain na madalas initin at mga pagkain na inilista ng Food Standard Agency na delikado sa food poisoning:

Ang mga nilutong karne o mga nilutong pagkain na may karne, katulad ng casseroles, curries at lasagne

Mga sarsa na binubuo ng cream at gatas

Seafood na binubuo ng patties, fish balls, stews at sarsang may seafood at fish stock

Nilutong kanin at pasta

Mga pagkain na may itlog, beans, mani o protein-rich food katulad ng quiche, soy bean products at lentil burgers.

Ang sekreto sa pag-iinit ng pagkain ay gawin ito nang tama. Gumagamit ang karamihan ng microwave oven upang initin ang pagkain, ngunit may problema. Hindi maiinit nang maayos ang pagkain sa microwave.

Kaya’t mahalaga na ilabas mula sa lalagyan ang pagkain, gaya ng paraan kung paano niluto, at haluing mabuti. Ang layunin nito ay upang mainit nang mabuti ang pagkain. (BBC News)