Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa pamamagitan ng Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) ang mga naghahanap ng trabaho na lumahok sa taunang Mega Job Fair ngayong araw, Enero 8.
Sinabi ni Mayor Del De Guzman, magbubukas ang fair ng 8:00 ng umaga at magsasara 3:00 ng hapon sa Marikina Sports Center. Lalahukan ito ng 60 lokal at banyagang kumpanya.
Pinapayuhan ng LRPESO ang mga aplikante na magsuot ng angkop na damit at maging handa sa mga interview. Magdala ng maraming kopya ng resume at iba pang mahahalagang dokumento na madalas hinihingi sa mga aplikante tulad ng NBI at Police clearance, valid ID, at iba pa. (Mac Cabreros)