Nahaharap ngayon sa kasong rape at serious illegal detention sa Makati City Prosecutor’s Office ang anak ng namayapang Supreme Court associate justice na si Jose Feria, dahil sa pambibiktima umano sa kanyang empleyada.

Sa pitong-pahinang reklamo na inihain sa piskalya ng 35-anyos na high-ranking employee kasama ang kanyang asawa na tumayong abogado niya noong Disyembre 21, 2015, inakusahan ng biktima ng panggagahasa si Atty. Jose Feria, Jr., chairman ng MG Exeo Network, Inc., sa loob ng isang five-star hotel sa Makati City noong Disyembre 11, sa gitna ng Christmas party ng naturang kumpanya.

Inamin ng biktima na nakainom siya ng vodka at limang baso ng wine sa nasabing party kaya nahilo at nanghina siya.

Namalayan na lang ng biktima na nasa loob na siya ng kuwarto kasama si Feria at ang kanyang immediate boss na si Simon “Monette” Resurreccion, at si Marivic Samarita, empleyado ng tanggapan.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Nakiusap ang biktima kay Resurreccion na huwag siyang iwan ngunit agad itong lumabas ng silid, kasama si Samarita, sa utos umano ni Feria.

Mabilis umanong ini-lock ni Feria ang pinto at hinalay ang biktima.

Natapos ang kalbaryo ng biktima nang buksan ni Resurreccion ang pinto at agad siyang nilapitan, habang umalis sa kuwarto si Feria na walang bakas sa mukha sa ginawang panghahalay.

Disyembre 15 nang nag-resign ang biktima sa kumpanya at inamin sa kanyang resignation letter na may ibang empleyado sa kumpanya ang nagpapakalat ng “tsismis” na nagpapakita umano siya ng motibo na ‘tila nilalandi ang ilang boss at lalaki, bagay na mariin niyang itinanggi.

Lumitaw sa record ng Philippine General Hospital (PGH) na ang biktima ay kumpirmadong nagtamo ng sexual assault, galos sa kanang braso at hematoma sa parehong lower extremities.

Hawak din ng biktima ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) cameras ng hotel sa panahong nangyari ang insidente. (Bella Gamotea)