Muling bubuksan sa Enero 25 ng dalawang komite ng Senado ang imbestigasyon sa madugong Mamasapano massacre bunsod ng mga bagong impormasyon at ebidensiya na may kinalaman sa brutal na pagpatay sa 44 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF).

Ito ang inihayag ni Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs, nang tanungin ng media hinggil sa estado ng Senate probe sa naturang kaso.

Habang si Sen. Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Committee on Peace and Unification, ay magsasagawa rin ng imbestigasyon sa trahedya.

Matatandaan na hiniling ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang muling pagbubukas ng Mamasapano massacre case matapos siyang makapagpiyansa at palayain mula sa PNP Custodial Center noong Oktubre 2015.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Bigo si Enrile na makibahagi sa mga unang pagdinig sa Maguindanao massacre case dahil nakakulong pa siya sa Camp Crame kaugnay ng kasong plunder na kanyang kinahaharap.

Maging si Sen. Ferdinand Marcos Jr. ay dismayado dahil hindi pa umano nailalabas ang lahat ng katotohanan sa Mamasapano incident at hindi rin naihahain pa sa Senate Secretariat ang ulat hinggil dito.

Ayon kay Marcos, plano ni Enrile na himayin ang mga testimonya ng mga survivor at testigo sa insidente.

Ikinatuwa naman ni Poe ang desisyon ng kanyang mga kabaro na muling buksan ang kaso sa palpak na operasyon ng PNP na ikinamatay ng 44 na police commando. (MARIO B. CASAYURAN)