CAMP DIEGO SILANG, La Union – Dinakip ang isang padre de pamilya sa pananaga sa kanyang asawa at dalawang anak sa Barangay Balsaan, Sto. Tomas, La Union, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Artemio Infante, information officer ng La Union Police Provincial Office, ang suspek na si Ariel T. Carbonell, 39, na tinaga ang sarili niyang pamilya sa loob ng kanilang bahay dakong 4:25 ng hapon nitong Martes.

Sinabi ni Infante na nagtamo ng mga taga sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan sina Josephine, 39; Gizelle, 16; at Arlene, 15 anyos.

Ginagamot ang mag-iina sa La Union Medical Center sa Agoo, La Union.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Infante, nasa kostudiya na ng Sto. Tomas Police ang suspek, at inihahanda na ang mga kaso laban sa kanya.

(Erwin G. Beleo)