WALLY, MAINE AT ALDEN copy

TEAM Puyaters ang tawag ng AlDub Nation sa Aldenatics at Aldub Maiden sa Dubai na pawang excited kaya hindi na natulog noong January 5 para lamang masalubong nila sa Abu Dhabi International Airport si Alden Richards na dumating ng 12:08 AM of January 6 (4:08 AM sa Pilipinas). 

From there, sinamahan na nila si Alden papuntang Dubai by land. Nagkaroon muna ng chance na makatulog at makapagpahinga si Alden bago ang kanyang meet and greet with the fans.

Ngayong Thursday, January 7, ang show ni Alden sa Dubai Tennis Stadium titled “Alden Live In Dubai.” Pagkatapos ng show, bibiyahe naman si Alden papuntang Qatar para sa “Yaya’s Bae Goes To Qatar: Alden Richards Live in Doha” na gaganapin sa Qatar National Convention Centre bukas (Friday, January 8, 7:00 PM). Ang show ay part pa rin ng 10th year celebration ng GMA Pinoy TV doon. 

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Pero bago umalis si Alden last January 5, nag-report pa siya sa kalyeserye ng Eat Bulaga para personal na magpaalam kay Yaya Dub (Maine Mendoza) at kina Lola Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo). Biniro siya ni Vic Sotto kung bakit aalis na naman siya, para raw sa future nila ni Yaya Dub, na siyempre ay pinalakpakanang audience sa studio. Paano iyon, aalis siya, may pumasok na bagong character, si Jake na magiliw kung kausapin ni Yaya?

“Naniniwala pa rin po ako na pagbalik ko sa Lunes, kami pa rin ni Yaya,” sagot ni Alden. 

Si Yaya naman ang nag-emote na baka siya naman ang makalimutan ni Alden, na sinagot agad nito ng, “Hindi mangyayari dahil ilang araw lang akong mawawala.”

Isa pang dahilan ni Alden kung bakit nakipagkita siya kay Yaya, dahil ngayong Huwebes ang 25th weeksary nila at hindi puwedeng hindi nila i-celebrate iyon. Kaya nagdala si Alden ng bouquet of flowers, chocolate cake at pati vendor na nagluluto ng mga paboritong street foods ni Yaya. Iniwanan sila ng tatlong lolas at nagsugod-bahay para magbigay ng suwerte sa napipili nilang contestants. Kaya nagkaroon ng chance na makapag-usap sina Alden at Yaya, iyon nga lang, walang audio kaya hindi narinig ng audience ang pinag-uusapan nila.

Nagpasalamat si Vic na tamang-tama ang pagpunta ni Alden sa Dubai at Qatar dahil magsisimula ring ipalabas sa January 14 sa Middle East ang box-office movie nilang My Bebe Love na nagtatampok sa kanila ni Ai Ai delas Alas, Alden at Maine. May block screening din ng movie sponsored ng AlDub Maiden sa nasabing date. (NORA CALDERON)