ANG ganda-ganda naman ng bahay ni Sharon Cuneta sa Calabasas, California na up for sale for $2.2 million. May six-bedroom ang mala-mansion na bahay na sa mga picture na nakita namin, kahit sino, gugustuhing tumira.
Kumpleto ang bahay, may library, chef’s kitchen with a breakfast room, fireplace, family room, swimming pool, spa, may waterfall at living room na sa sobrang ganda, aakalaing showroom lang at sa mga magasin lang makikita.
Isang pang-come on sa bahay ni Sharon na for sale ay kapitbahay daw nito ang Kardashians. Sino ba naman ang aayaw na maging kapitbahay ang mga Kardashians?
Nakatutuwa ang ilang fans ni Sharon, dahil kinuwenta na kung magkano sa peso ‘pag nabenta ang bahay na parang sila ang may-ari. Hindi pa nai-interview si Sharon kung bakit gusto nilang ibenta ang nasabing bahay.
Anyway, walang malaking party si Sharon nang mag-celebrate ng birthday kahapon. Sila-silang magpapamilya lang yata ang nag-dinner at baka nga wala kahit simpleng selebrasyon dahil pumanaw ang ama ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan na si Donato Pangilinan noong January 4.
Kasunod nito, magiging busy si Sharon sa pagtulong sa kampanya ni Kiko na muling tatakbong senador sa darating na eleksyon.