CAMP JUAN, Ilocos Norte – Isang bangkay ng babae na pinaniniwalaang sinakal ng hindi nakilalang suspek ang natagpuan sa silid ng isang hotel sa Laoag City, Ilocos Norte, nitong Lunes, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Chief Insp. Jonathan Papay, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Provincial Office, ang biktimang si Rose Castro, 23, tubong Carmen, Bohol, at nagbo-board sa Barangay 13, Magat Salamat, Laoag City.

Ayon sa report, gabi ng Disyembre 29 nag-check in si Castro sa Room 4 ng Diamond Suites at makaraang hindi sumagot sa mga tawag sa intercom, sapilitang binuksan ang nabanggit na silid noong Enero 4 ng hapon at nakita ang biktima na wala nang buhay.

Nirerebyu na ng pulisya ang mga kuha ng CCTV ng hotel para makilala ang mga nakasama ng biktima, na natapuang may lubid sa leeg at napaliligiran ng mga bubog mula sa bote ng alak. (Freddie G. Lazaro)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog