Pinatunayan ng isang pedicab driver ang pagiging tapat niyang kaibigan matapos siyang mabaril sa mukha ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek na sinugod niya makaraang mapaaway sa kanyang best friend sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Nakaratay sa Caloocan City Medical Center si Joseph Soriano, 21, ng Tamban Street, Kaunlaran Village, Barangay 18 ng nasabing lungsod, dahil sa tama ng bala ng .38 caliber revolver sa kaliwang bahagi ng mukha.

Ayon sa report, dakong 1:45 ng umaga at pauwi na si Soriano nang mabalitaan sa mga istambay na napaaway ang matalik niyang kaibigan na nakilala lang sa alyas na “Noel”.

Agad nagtungo sa Libis Espina Street si Soriano para tulungan ang kaibigan, pero hindi niya alam na naroroon pa sa lugar ang mga nakaaway nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nilapitan siya ng mga suspek at binaril bago nagsitakas.

May nagmagandang-loob naman sa mga naroroon na dalhin sa nabanggit na ospital si Soriano.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para sa pagkakakilanlan ng mga suspek. (Orly L. Barcala)