HANOI (Reuters) – Pormal na inakusahan ng Vietnam ang China ng paglabag sa soberanya nito alinsunod sa isang confidence-building pact, matapos na lumapag ang eroplano ng Beijing sa airstrip na ipinagawa ng huli sa isang artipisyal na isla sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea.
Sinabi ni Foreign Ministry Spokesman Le Hai Binh na ang airfield ay “built illegally” sa Fiery Cross Reef sa Spratly archipelago, sa teritoryong “part of Vietnam’s Spratlys”.
Itinanggi naman ng China ang akusasyon.