Itinakda sa Enero 25-26 ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno ng Pilipinas (GPH) at Moro National Liberation Front (MNLF) para sa 1996 Final Peace Agreement (FPA), at gagawin ito sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ito ang inihayag ng mga source mula sa gobyerno at sa MNLF, kasabay ng paglilinaw na isasapinal pa ang petsa, batay sa kumpirmasyon ng Organization of Islamic Cooperation (OIC).
Sinabi kahapon ni Abdul Sahrin, MNLF senior leader, na kakatawanin ang iba’t ibang grupo ng MNLF sa Tripartite Review Process (TRP) sa pamamagitan ng “Jeddah Formula” upang maipagpatuloy ang matagal nang naipagpaliban na pag-uusap, na pangangasiwaan ng OIC. - Edd K. Usman