Sa inaasahang pagdagsa ng duty-free goods mula sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) simula nitong Disyembre 31, 2015, kailangang magbalangkas ang gobyerno ng isang komprehensibong programa upang matulungan ang sektor ng agrikultura na makipagsabayan sa pagpasok ng mga imported product.

‘’We have seen the effects of unbridled importation and the smuggling of agriculture products such as rice, onions and garlic on our farmers,’’ sinabi ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., chairman ng Senate local government committee at independent candidate sa pagka-bise presidente.

Epektibo nitong Disyembre 31, inalis ng Asean Economic Community (AEC) ang import duties sa mga produktong manggagaling sa 10 bansa na miyembro ng ASEAN, na kinabibilangan ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam.

Sa pag-alis ng taripa, mas talo ang mga magsasakang Pinoy lalo na kung hindi gagawa ng hakbang ang gobyerno upang makapagbigay ng isang komprehensibong programa na magbibigay ng ayuda sa sektor ng agrikultura.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagsak ang agrikultura ng 0.1 porsiyento sa third quarter ng 2015 dahil sa de-kalidad na produktong palay, mais at tubo.

Aniya, dapat isulong ng gobyerno ang mga programang imprastruktura at teknolohiya na magpapalawak sa sektor ng transportasyon, pagkukumpuni ng karagdagang kalsada, pagkakaroon ng sapat na supply ng kuryente, at pagpapalakas sa sistema ng irigasyon sa kanayunan.

Una nang hiniling ni Marcos ang libreng irigasyon sa mga magsasaka sa pagpapatupad ng National Irrigation Administration (NIA) ng condonation program sa P12-bilyon utang ng mga ito upang matulungan silang makabangon sa kahirapan. (Mario Casayuran)