Malaki ang tsansa na dito sa Pilipinas gaganapin ang laban ni newly-crowned WBO super bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr., kontra kay dating featherweight champion Evgency Gradovich sa pagdepensa ng una sa kanyang titulo sa darating na Abril 23, 2016.
Si Donaire ( 36-3, 23 KOs), na lumaban sa San Mateo, California ay nabawi ang dating titulo sa 12-round unanimous decision nang pataubin si Cesar Juarez sa San Juan, Puerto Rico noong Disyembre 11.
Hawak ngayon ni Donaire ang four-division title, at malaki ang posibilidad na sa bansa nga niya idepensa ang titulo.
Magugunitang lumaban din sa bansa si Donaire noong Hulyo, kung saan na-knockout nito sa second round si Anthony Settoul.
Inihayag ni Arum na ang posibleng makalaban ni Donaire ang isa pang hawak niyang boksingero na si Gradovich.
Si Gradovich (20-1-1, 9 KOs), na mula sa Russia ay tumutukoy sa Oxnard, California kung saan nagsasanay ito sa ilalim ng pamumuno ni Robert Garcia—ang dating trainer ni Donaire. Nawala ang titulo ni Gradovich makaraang talunin siya sa eight-round technical decision ni Lee Selby sa Wales noong Mayo.
Gayunman, nakabawi naman ito sa eight-round decision laban kay journeyman Aldimar Silva Santos noong Oktubre 24.
Si Gradovich ay nakatakdang lumaban para sa tune-up fight sa Spain sa darating na Enero 9, subalit hindi pa matiyak kung sino ang kanyang makatutunggali.
Sinabi ni Arum na kasalukuyan pa siyang nakikipag-usap sa ABS-CBN dahil ito nakatakdang mag-promote ng laban ni Donaire. (Abs-Cbn Sports)