TARLAC CITY – Sadyang mapanganib ang mabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo, at isang 20-anyos na lalaki ang nasawi dahil dito, sa San Pascual-Batang-Batang Road sa Barangay Batang-Batang, Tarlac City.

Kinilala ni SPO1 Alexander Siron ang namatay habang ginagamot sa Jecsons Medical Center na si Kier Gambito, 20, driver ng Honda XRM motorcycle (CA-95528), habang grabe namang nasugatan ang kaangkas niyang si Ryan Ilad, 17, kapwa residente ng Bgy. Lalapac, Victoria, Tarlac.

Dakong 2:30 ng hapon, patungong timog ang motorsiklo ni Gambito nang bigla itong mawalan ng kontrol hanggang bumalandra sa kalsada. (Leandro Alborote)

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos