BEIJING (AP) – Nagtatag ang China ng tatlong bagong military unit bilang bahagi ng mga reporma ng gobyerno upang gawing modern ang sandatahan nito—ang pinakamalaking puwersa sa mundo—at pagbutihin ang kakayahan nito sa pakikipaglaban.
Napanood sa state television nitong Sabado si President Xi Jinping habang nagkakaloob ng military flag sa mga pinuno ng tatlong bagong unit — isang general command para sa People’s Liberation Army, isang missile force at isang strategic support force.
Inilunsad ng China ang reporma sa sandatahan nito habang nagiging mas agresibo ang Beijing sa pag-angkin nito sa mga sinasabing teritoryo sa East China Sea at South China Sea, na nagbunsod ng umiigting na tensiyon sa mga kalapit-bansa nito.