Isang 25-anyos na lalaki ang sugatan makaraan siyang saksakin ng kanyang kapitbahay na nabulahaw sa malakas niyang sigaw habang pinagagalitan ang limang taong gulang niyang anak na babae sa Tondo, Maynila nitong Martes ng gabi.

Nakaratay sa Mary Johnston Hospital si Jonathan Membro, residente ng 1680 Velasquez Street, Tondo, dahil sa tinamong saksak sa kanang dibdib.

Naaresto naman ng mga tauhan ni Insp.Victor de Leon, ng Don Bosco Police Community Precinct, si Jade Maniego, 24, mh 1680- B Velasquez Street, Tondo, Manila.

Sa ulat ni Supt. Redentor Ulsano, station commander ng Manila Police District-Station 1, nangyari ang insidente dakong 6:00 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nauna rito, pinagalitan at sinigawan umano ni Membro kanyang anak.

Dahil dito, sinasabing nabulahaw ang suspek at nairita kaya nilusob nito ang bahay ng biktima at sinaksak ang hulo bago tumakas. (Mary Ann Santiago)