Kahit na hinawakan na sila ng sinasabing pinakamagaling na coach ay lubhang mailap pa rin sa Barangay Ginebra ang pinakaaasam-asam na titulo.

Magmula noong 2008 ay bigo pa rin ang Kings na matikman ang kampeonato. At sa taong ito, tila muli na namang kumawala sa kamay nito ang tsansang makapag-uwi ng korona kahit na sa ilalim ng masusing paggabay ng most competent coach ng liga na si Tim Cone.

Napatalsik ng nakalabang Globalport sa kanilang knockout match para sa 3rdsemifinals berth sa ginaganap na 2016 PBA Philippine Cup noong nakaraang Linggo sa MOA Arena.

Napakasaklap ng pagtatapos ng kampanya ng Kings ngayong conference matapos ang 83-84 na kabiguan sa kamay ng Batang Pier kung saan ipinagmarakulyo ni Cone sampu ng fans ng koponan ang kabiguan ng mga referee na tumawag ng ball-hogging violation sa dying second ng laban habang hawak ang bola ni Globalport guard Stanley Pringle.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit noong Lunes ng hapon, habang hinihintay ng lahat ang protesta mula sa Kings, walang sinuman na kinatawan ng koponan ang nagpakita sa tanggapan ng PBA sa Quezon City.

Sa madaling salita, walang protestang nangyari at sa halip ay nagpahayag na lamang ng kanyang saloobin si Cone sa kanyang Twitter account kasabay ang pangakong babalik silang mas malakas sa susunod na conference at doon babawi.

“Players played their hearts out, fans screamed their hearts out. Despite the loss, that makes it a great night.

We’ll be back stronger,” ani Cone sa kanyang tweet.

Kaugnay ng mga nasabing pangyayari, kahapon habang sinusulat ang balitang ito ay ipinatawag sa tanggapan ng PBA ang apat na referee na nag-officiate sa nasabing laban ng Ginebra at Globalport.

Inaasahang mapapatawan ng kaukulang parusa ang mga game officials dahil sa nasabing non-call na malinaw na nakita sa ilang ulit na pagri-replay ng nasabing huling play. (MARIVIC AWITAN)