HAPPY first wedding anniversary today sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. One month and seven days bago ang anibersaryo ng kasal ng Kapuso Primetime King and Queen, biniyayaan na sila ng una nilang anak, si Baby Letizia Gracia Dantes, na isinilang noong November 23, 2015.

Ilang araw after isilang ni Marian si Baby Zia o Baby Z, saka lamang sila naglabas ng picture ng anak matapos na maraming pictures na lumabas na hindi naman iyon ang baby nila. Kamukha talaga ni Marian ang baby pero kapag naka-side view ang bagets, kamukha ni Dingdong.

Tuwang-tuwang bihisan at ayusan ni Marian si Baby Z na lagi ring nakangiti sa picture kapag hindi tulog, tulad din ni Marian na laging nakangiti. Last December 25, muling naglabas si Dingdong ng picture nilang tatlo sa kanyang Instagram accout with the caption: “This Christmas we offer you our warmest wishes as we glorify the birth of the Child who came and filled the world with a love so true. May the love of the Father, personified through His Son, embrace you and fill your hearts and homes this Holiday Season.”

Tinanong namin ang manager ni Marian na si Rams David kung ano ang celebration ng mag-asawa sa kanilang first wedding anniversary. Ang sagot niya, walang bonggang celebration, dinner lang ng two families. Siguro raw, next year na ang malaking celebration sa baptism ni Baby Zia. Ang alam ni Ateng Rams, sa January 2016 ang binyag ng panganay nina Dingdong at Marian. (NORA CALDERON)
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter